BAHAGYANG mababawasan ang pasanin ng mga motorista sa susunod na dalawang linggo sa bisa ng panukalang special power para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Bicol-Saro partylist Rep. Terry Ridon, na tumatayong chairman ng House Committee on Public Accounts, patapos na sa ang Kamara ang panukalang bigyan ng kapangyarihan si Marcos suspindihin — o bawasan ang kinokolektang excise tax sa mga produktong petrolyo sa merkado.
Sa pagtataya ni Ridon, maglalaro mula P6 hanggang P10 ang ibabawas sa oil excise tax sa kada litro ng krudo at gasolina.
“Approval is just a matter of time. Almost finished na sa (House), hopefully maipasa sa Senado by the end of next week,” wika ni Ridon sa isang pulong-balitaan.
“So as big as P10 per liter yung pwedeng ma-shave off sa presyo ng produktong petrolyo pagka po nasuspinde na ‘yung excise taxes. So malaking bagay po ito and hopefully within the next two weeks ay makapag-benepisyo na po at makinabang ang ating mga kababayan dito po sa intervention po ito.”
