KASABAY ng pagtatapos ng tinaguriang Holy Month of Ramadan, nagpaabot ng pakikiisa si House Speaker Faustino Dy III, kasabay ng panawagan para sa pagtataguyod ng kaugalian ng pagsasakripisyo, pagbibigay-awa at pagkakaisa sa gitna ng kinakaharap na hamon ng bansa.
“As our Muslim brothers and sisters celebrate Eid’l Fitr, we honor a journey of faith marked by discipline, sacrifice and generosity—values that can guide us as we face the challenges ahead, and work to overcome these as one nation,” pahayag ni Dy.
Ayon sa lider ng Kamara, ang naturang okasyon dapat sumentro sa pagninilay, kababaang-loob at pakikipag kaisa para sa kapanatagan ng sambayanan.
Ang Eid ay karaniwang ginugunita sa pamamagitan ng natatanging panalangin, kawanggawa at pagmamahal sa pamilya at kalingan sa kapwa.
“These traditions remind us of our duty to care for others, especially the most vulnerable, and to build stronger, more compassionate communities,” sambit pa niya.
“Sa diwa ng Eid, nawa’y patuloy nating isabuhay ang malasakit sa kapwa at pagkakaisa bilang isang bansa sa gitna ng mga hamon sa buong mundo.”
“Let this celebration inspire us to build a more inclusive, resilient, and united Philippines where every Filipino has hope and opportunity.”
