HINDI akalain ng mga kaanak ng isang 60-anyos na kontratista na kamatayan na pala ang naghihintay sa padre-de-pamilyang sinaksak habang kumakanta sa loob ng isang KTV bar sa Barangay 78 sa Caloocan City.
Sa ulat ng lokal na pulisya, kinilala ang biktima sa pangalang Nestor Nocum Jr. na napag-alamang dating nagsilbi bilang kagawad ng barangay.
Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Lt. Mark Peña, na tumatayong officer-in-charge ng Caloocan Sub Station 3, nasa isang KTV Bar si Nocum at kumakanta habang kausap ang isa sa mga waitress sa bar.
Kalaunan, dumating sa nasabing bar ang lalaking suspek, na ka live-in pala ng waitress na kausap ni Nocum.
Ilang sandali pa, lumapit ang suspek at agad sinuntok ang kinakasamang waitress, at sinundan ng pananaksak kay Nocum.
Mabilis na tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente. Mabilis naman isinugod sa pagamutan ang biktimang binawian ng buhay bunsod ng walang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
