WALANG plano ang Commission on Elections (Comelec) ihinto ang puspusang paghahanda para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (Comelec).
Ito ang tiniyak ni Comelec chairman George Garcia sa kabila ng mungkahing nagsusulong sa pagpapaliban ng halalan sa Nobyembre 2, 2026.
Gayunpaman, nilinaw ni Garcia na tatalima ang ahensya sakaling pagtibayin ng kongreso ang batas sa naturang usapin.
Batay sa naunang desisyon ng Korte Suprema bunsod ng unang pagpapaliban ng BSKE, binigyan-diin ng hukuman ang lehitimong interes ng gobyerno.
Para kay Garcia, ang nararanasang krisis ay isang lehitimong dahilan para sa isinusulong na pagpapaliban ng halalan ay sapat na dahilan lalo pa’t lugmok sa kahirapan ang sambayanan dahil na rin sa hidwaan sa Gitnang Silangan.
Sa ilalim ng umiiral na batas, may kapangyarihan ang Kongreso itulak ang pagpapaliban ng halalan.
Gayunpaman, maaari naman aniyang magbigay ng suhestyon o rekomendasyon ang Comelec.
