HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez bumiyahe patungo sa bansang Singapore para sa panibagong pagsusuri matapos sumailalim sa isang maselang operasyon.
Ang dahilan ni Ombudsman Crispin Remulla — baka hindi na bumalik ang dating lider na Kamara na idinadawit sa kontrobersyal na flood control scandal.
“Baka hindi na bumalik eh, we don’t want that to happen,” pahayag ni Remulla.
Ayon kay Remulla, higit na kailangan maging maingat ang gobyerno lalo pa’t iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Romualdez kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Para kay Remulla, kahina-hinala ang travel request ng dating House Speaker na hiniling ilang araw matapos dakpin sa Czech Republic ang puganteng si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
“Ang problema diyan, para naman sobrang coincidental na nahuli si Zaldy Co sa Europe, bigla siyang aalis. Baka mamaya, wala na tayong mapa panghawakan dito sa bansang ito. Lahat ng ating nais pasagutin, ay mawala na lang sa ating jurisdiction. Nag-iingat lang po tayo,” wika ni Remulla.
“May karapatan din tayong mga Pilipino na sabihin sa kanya huwag muna umalis,” ani Remulla sa hiling ni Romualdez payagan lumipad patungo sa Singadiin pa niya.
Sa travel request ni Romualdez, hiniling nito na makapag biyahe at manatili sa Singapore mula Abril 20 hanggang Mayo 4 para sa follow-up ng kanyang angioplasty surgery.
Mungkahi ni Remulla sa dating House Speaker, sa Pilipinas na lang magpa check-up.
