ISANG bonggang sorpresa ang sumalubong sa Kamara kaugnay ng isinusulong na Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa botong 13 pabor at siyam na tutol, tuluyang nalaglag sa pwesto bilang Senate President Vicente Sotto III. Ang kapalit — si Senador Alan Peter Cayetano.
Dalawang senador naman ang piniling mag-abstain.
Kabilang sa mga senador na sumuporta kay Cayetano ang kapatid na si Pia Cayetano, mga kapwa senador na sina Loren Legarda, Camille Villar, Mark Villar, Bong Go, Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Ronald “Bato” dela Rosa, Imee Marcos, Joel Villanueva at Francis “Chiz” Escudero.
Nanindigan naman para sa pananatili ni Sotto sina Senador Ping Lacson, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Risa Hontiveros, Win Gatchalian at Lito Lapid.
Walang pinanigan sina Senador Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito.
