“WE welcome all citizens of the world to our lovely country. But I appeal to our visitors—please respect our way of life and act with kindness towards our people.”
Ito ang panawagan ni Solid North partylist Rep. Ching Bernos bilang tugon sa insidente ng panggugulo ng dalawang foreign nationals na bumisita sa isla ng Siargao kamakailan.
Kasabay nito, hinimok ni Bernos ang mga ng lokal na pamahalaan na aktibong bantayan at bigyang proteksyon ang kani-kanilang residente at komunidad na nasasakupan mula sa mga abusadong bumibisita lamang sa bansa.
“Local governments must actively protect the welfare and way of life especially of indigenous communities in the face of tourist abuse,” wika ng lady Solid North PL lawmaker.
“We must ensure that the welfare of our communities is always upheld and the rights and practices of the locals are respected,” giit pa ni Bernos na tumatayong vice chairperson ng House Committee on Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples.
“Kaya’t napakahalaga na may plano tayo kung paano natin maisusulong ang responsableng turismo. We have to keep in mind the absorptive capacity of our localities, and set aside resources for police, health workers, and other concerns,” dagdag niya.
Hiniling ni Bernos sa mga awtoridad na magsusing imbestigahan ang pangyayari sa Siargao gayundin ang mga naunang kasong kinasasangkutan ng ilang abusadong dayuhang turista sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Batay sa mga nakalap na impormasyon ng Saksi Pinas, lumalabas na nagalit ang isang hindi pinangalanang Israelli national matapos makakita ng bandila ng Palestine sa nadaanang establisyemento. Napagbuntunan ng galit ng dayuhan ang babaeng katutubong Lumad na nagtatrabaho lang sa naturang lugar.
Panawagan ng kongresista sa mga banyagang turista, magbigay respeto o paggalang sa mga lokal na mamamayan at lugar na kanilang binibisita.
“Spread love and joy so that you can have a much more meaningful stay here,” pagtatapos ni Bernos.
