TULUYAN nang idinawit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Senador Robin Padilla at limang iba pang umano’y sangkot sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa noong Mayo 13.
“You can see her doon sa CCTV footage. I think even the press that are assigned in the Senate, usually she’s kasama. She’s the one na may nakasuot ng bullet proof vest,” wika ni CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II.
Bukod kay Padilla, hayagang kinaladkad ni Morico babaeng security officer na kasamang sumakay sa puting SUV na ginamit umano sa pagtakas ni Dela Rosa.
“She was a former AFP personnel… from the AFP, ang employment niya pumunta po sa Department of Foreign Affairs as a foreign service officer. Later on naging security officer and staff ni Senator Robin Padilla,” dagdag pa niya.
Hindi rin aniya maikakaila ang partisipasyon ng isang pinsan ni Padilla na nagmamay-ari ng pickup truck na umano’y ginamit bilang backup vehicle para kay Dela Rosa.
Ikinasa na ang malawakang manhunt laban kay dela Rosa na pakay ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
