ASAHAN ang pinakamahabang liwanag sa loob ng 24 oras ngayong taon sa Northern Hemisphere, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa isang kalatas, ipinaliwanag ng Pagasa na karaniwang nararanasan ang pinakamahabang araw kapag tinamaan ng araw ang Northern Hemisphere. Ito rin anila ang simula ng tag-araw sa Northern Hemisphere at taglamig naman sa Southern Hemisphere.
“This happens when the sun reaches the most northerly point in the sky, and so on June 21, here in the northern hemisphere, we will experience the longest day and the shortest night,” ayon sa PAGASA.
Asahan din anang Pagasa ang pagiging aktibo ng ng June Bootid meteor shower mula Hunyo 22 hanggang Hulyo 2, at aabot sa peak activity sa Hunyo 27.
Ang June Bootid ay dulot ng pagdaan ng Earth sa dusty debris trail na iniwan ng short-period comet 7P/Pons-Winnecke.
