KUMBINSIDO ang kampo ni Leyte Rep. Martin Romualdez na pinepersonal na ng Office of the Ombudsman ang dating lider ng Kamara sa usapin ng flood control scandal.

Partikular na tinukoy ni Atty. Ade Fajardo ang aniya’y pagpupumilit ng Ombudsman kaladkarin si Romualdez na katiwalian kahit walang ebidensyang direktang nagdadawit sa mambabatas.

“Hindi namin maintindihan kung bakit ganun na lamang ang attention na binibigay nila, ang panggigipit nila kay Rep. Romualdez. Eh wala na namang credible na ebidensya,” wika ni Fajardo na tumatayong abogado at tagapagsalita ng kongresista.

“Nawala na nga lahat ng mga malalaking opisyal ng pamahalaan nang mag-urungan ang Maleta Boys at nagsabi ang karamihan na wala silang alam sa sinasabing deliveries, tinanggal na sa listahan at siguro in-absolved na. Pero iniwan pa rin ng Ombudsman at mistulang singled out na natitira na lamang ay ang aming kliyente,” dagdag niya.

Ayon kay Fajardo, palaisipan kung bakit ayaw lumubay ng Ombudsman sa paghahabol kay Romualdez at patuloy na ipinipilit ang pagsasampa ng kaso kahit hindi pa tapos ang isinasagawang preliminary investigation.

Giit ng abogado, pormal na naglabas ng affidavit ang tinaguriang star witness na si Orly Guteza at ito’y sinuportahan pa ng nasa 25 na binansagang Maleta boys kung saan binabawi nila ng naunang alegasyon laban kay former Speaker Romualdez.

“Formal affidavit ang ginawa nila, hindi press release. Despite the withdrawal of the original accusations, the Ombudsman is still trying to put together a case against Romualdez,” ani Fajardo.

“Kaya kami ay naguguluhan kung bakit ganito ang trato nila sa dating Speaker. Masyado na yata siyang pinepersonal.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *