TULUYAN nang ikinanta ng 18 dating sundalo sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee ang paghahatid ng male-maletang salapi sa ilang personalidad sa gobyerno kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa ginanap na pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinangasiwaan ni Senador Rodante Marcoleta bilang sub-committee chairman, inilatag ng 18 marines ang detalye sa paghahatid ng perang mula umano sa pondo para sa flood control projects ng pamahalaan.
Bukod kay Marcos at Romualdez, idinawit din ng 18 dating Marines si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, former Senate President Vicente Sotto III, Senador Erwin Tulfo at Mamamayang Liberal partylist Rep. Leila De Lima.
Kinaladkad din ng 18 dating sundalo ang ilang miyembro ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan tulad nina Rep. France Castro, Raoul Manuel at Dela Lima na nakipagkita kay Co sa isang townhouse.
Ayon kay Johnny Buduan na nagtrabaho bilang driver-bodyguard at “basurero” ni Co sa loob ng pitong taon at isang buwan, naghahatid sila ng maleta ng pera na may “post-it-stickers” kung saan nakasulat kung magkano ang laman bawat sisidlan.
Pag-amin niya, apat na beses kada linggo sila inuutusan ng dating partylist congressman magdeliver ng maleta sa ilang indibidwal mula nang maging chairman si Co ng House appropriations committee.
Bilang patunay, ipinrisinta sa pagdinig ang mga larawan at video sa paghahatid ng pera kay Romualdez.
“Nadinig din namin na naghatid ng luggages kay PBMM,” ayon kay Buduan.
Sinabi pa ni Buduan na naghatid ng maleta sina Belnard Tube at Co sa Paoay, Ilocos Norte ng isang gabi sa isang lugar malapit sa lawa o dagat.
“Dumating sina Rep. Sandro Marcos. PBMM, at First Lady Liza Araneta Marcos kasama si Co noong 2022,” ani Buduan.
“We will compile in a USB,” ayon naman kay Baligod.
Anila, nagsimula silang maghatid ng maleta kay Romualdez noong Setyembre 2022 hanggang December 23, 2022 sa No. 42 McKinley Street, sa pagitan ng Dasmarinas Village at Forbes Park sa Makati.
“After that, we delivered to 14 Narra St., (South Forbes, Makati). Mayordoma Joselyn received the luggage; other people are not familiar to us by name, only by face,” ayon sa testimonya ng isa pang marine.
Kasabay nito, inihayag naman ni Belhard Tube na kasama siya sa advance team na papunta sa isang gusali sa Baclaran na pawang opisina umano ni Sotto.
“I guided Co through the basement; he was with Mark Ticsay, Paul Estrada and Dichoso,” ayon kay Tube na walang binanggit kung naghatid sila ng maleta o nakita niya mismo ang paghahatid ng maleta sa naturang senador.
Sinabi naman ni Bernard Gumban na naghatid sila ng maleta kay Sen. Erwin Tulfo ng dalawang beses na sa unang pagkakataon, isang maliit at isang medium size na maleta at anim na maliliit na maleta sa ikalawang pagkakataon.
“This was in his house in Greenhills, which he confirmed via asking Mark Ticsay and the contact in the house communicated to deliver the house. I entered the house and reached the basement while delivering,” ayon kay Tube.
Ayon naman kay Rosebert Waupan na nakapaghatid din sila ng maleta kina Castro na may regular na pulong kay Co kabilang sina Manuel, Delia sa isang townhouse.
“They have a chat group where they share screenshots of deliveries, forwarded to Co who forwarded to recipients for verification. April 18 (Tuesday), chat confirming kickbacks for Francs Castro, Arlene Brosas, Tonchi Tinio in the chat group, with messages from Police Capt. Alvin Nuguit,” ayon kay Baligod.
“I was outside duty for Fr. Flavie Villanueva, I delivered cash in an envelope to a church on Mindanao Avenue. I delivered one luggage to Rep. Terry Ridon in President Tower, Quezon City,” ayon naman kay Joely Cadiao.
