SADISTA o pedopilya? Ito ang naglalaro sa isip ng mga netizens hinggil sa viral video ng nagpakilalang asawa ng dayuhang Ateneo head coach Tab Baldwin.
Sa naturang video, hayagang sinabi ng isang Ginang Efi Baldwin na hindi ligtas ang mga kabataan sa kamay ni Baldwin. Gayunpaman, hindi tinukoy ng nagpakilalang asawa ni Baldwin ang peligrong kinakaharap ng mga kabataang manlalaro na nasa ilalim ng ‘pangangalaga’ ng Ateneo men’s basketball team coach.
Kasama ang mga anak, nilisan umano ng ginang noong taong 2020 si Baldwin para tiyakin ang kaligtasan ng mga supling.
“When he talks about his family, I want to make sure that he doesn’t represent me or my kids,” anang ginang.
Binalaan na rin umano niya ang pamunuan ng Ateneo sa ugali ng asawa.
“At the time, I repeatedly told the Ateneo [de Manila] University that children are not safe around him. And it was their duty to remove him. I urged them to move him away from the university campus and they proceeded to launch a campaign of intimidation and silencing,” dagdag pa niya.
Nanawagan ang ginang sa magulang ng mga manlalaro ng Ateneo men’s basketball team na ilayo ang kanilang anak kay Baldwin.
“Rovelyn and Elias, the deaths of your kids were not only predictable but preventable. The bodies of your kids are still warm and he’s talking about moving on. Terrible,” aniya.
Hunyo 8 nang masawi ang dalawang Ateneo basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.
Bagamat humingi na ng paumanhin, hindi naman tinanggap ng mga kaanak ng pumanaw ng manlalaro ang dispensa ng dayuhang basketball coach.
