INIREKOMENDA na ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kina Atty. Levi Baligod at 18 ex-Marines na mas kilala sa tawag na ‘Maleta Boys’ ni dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.
Batay sa kopya ng resolusyon ng DOJ prosecutors na inilabas ni dating Sen. Antonio Trillanes, inirekomenda ng Justice Department ang paghahain ng reklamong cyberlibel at perjury laban sa abogado at mga dating sundalo.
Nag-ugat ang reklamo matapos kaladkarin ni Baligod at ng mga dating sundalo ang pangalan ni Trillanes na umano’y kabilang sa mga tumanggap ng limpak-limpak na pera mula sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Gayunpaman, wala pang kumpirmasyon ang DOJ hinggil sa ibinahaging impormasyon ng dating senador.
