NAPILITAN ang National Bureau of Investigation (NBI) ipagpaliban ang interogasyong kalakip ng pagsisiyasat sa pagkamatay ng dalawang atleta ng Ateneo de Manila University (ADMU).
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, hindi sumipot sa paanyaya ng ahensya sa ikatlong pagkakataon si Ateneo men’s basketball team head coach Tab Baldwin.
Gayunpaman, inaasahan naman aniya ang pagharap ngayong araw ng dayuhang basketball coach na kasama nina Ateneo-student-athlete Rene Baterbonia at Divine Adili na kapwa nasawi sa gitna ng pagsasanay na isinagawa sa isang resort sa lalawigan ng ng Aurora.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dalawa ang lumalabas na dahilan sa pagpanaw nina Baterbonia at Adili — hazing at homicide.
Una nang naglabas ng precautionary hold departure order ang Department of Justice laban sa dayuhang coach.
