TULAD ng inaasahan, hindi sinipot ni Vice President Sara Duterte ang unang araw ng pagdinig ng impeachment court sa mga kinakaharap na kaso.
Sa isang pahayag, pinuna naman ng isang dating kongresista ang kawalan ng respeto ng pangalawang pangulo sa prosesong naglalayon isulong ang “rule of law.”
“First, her attendance would have demonstrated respect for the rule of law by submitting herself to a legitimate legal process. Second, if the allegations against her are indeed false, the trial gives her the platform to present counter-evidence to that effect. Third, it would ultimately show her willingness to submit to the accountability mechanism enshrined in the Constitution,” wika ni Barbers sa isang panayam sa radyo.
Para kay Barbers, mas mahalaga ang presensya ng nasasakdal sa paglilitis.
“If she wants to clear her name, the impeachment trial is her best opportunity to do so, especially as Filipinos have been waiting long enough for answers,” dugtong ni Barbers na tumatayong adviser ng House prosecution panel.
Ayon kay Barbers, matagal nang iginigiit ng kampo ni Duterte na ang impeachment court ang siyang proper venue para ilatag ang kanilang depensa.
“Ito na ang pagkakataon na patunayan sa lahat, base sa kanilang mga allegations, na ito ay isang politically motivated activity o ito ay isang haka haka o gawa gawa lamang—fabricated daw po ang lahat. This is the perfect opportunity na ma-disprove lahat po yan,” saad pa ng dating mambabatas.
