TALIWAS sa inaasahan, hindi pangangasiwa sa gabinete ang pangunahing trabaho ni Cabinet Secretary Benhur Abalos, ayon sa Presidential Communication Office (PCO).
Sa isang press briefing, partikular na tinukoy ni Palace Press Officer Claire Castro ang tagubilin ng Pangulo kay Abalos — ang maging kinatawan sa mga aktibidad na dapat daluhan ng Pangulo sa iba’t ibang panig ng bansa.
“[A]ng function niya ay hindi pang-CabSec., ang function niya is to help the President. So, iyon ang magiging function niya, siya iyong iikot sa buong bansa para mas mapalawak pa at ma-reach out ang mga kababayan natin,” paliwanag ni Castro.
Ayon kay Castro, inatasan si Abalos na umikot sa mga rehiyon, maging kinatawan ng Pangulo at tiyaking naihahatid sa publiko ang mga programa at serbisyo ng gobyerno.
Hindi na rin aniya kailangan ng panibagong executive order para sa appointment ni Abalos lalo pa’t may plenary power to appoint naman umano ang pangulo.
