PARA kay House Deputy Speaker Paolo Ortega V, ang patuloy na pang-iisnag ni Vice President Sara Duterte sa paglilitis ng Senado na tumatayong impeachment court, ay isang malinaw na indikasyon ng “guilt.”
“That is the natural and logical impression or conclusion people and senator-judges would have if the Vice President remains adamant in not attending her trial,” pahayagi ni Ortega na tumatayong Kinatawan ng La Union sa Kmara.
Para naman kay Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun, kung pagbabasehan aniya ang resulta ng pinakabagong Social Weather Station (SWS) survey, marami ang nagnanais makita ang pagdalo ng pangalawang pangulo para direktang depensahan ang sarili.
“This sentiment has been consistent and overwhelming. The people will get frustrated with the Vice President if she continues to obstinately refuse to heed their clamor,” dugtong ni Khonghun.
Sinabi ni Ortega na hindi masisisi ang taumbayan at maging ang senator-judges na dumating sa puntong hatulang nagkasala ang nasasakdal dahil sa pagtangging harapin ang mga alegasyon dito.
“Ang patuloy na pag-deadma niya sa malakas na panawagan ng taong bayan ay nangangahulugan ng kanyang mistulang kasalanan,” diin ni Ortega.
Inihalintulad ni Khonghun ang galawan ni Duterte sa isang suspek sa kasong kriminal na mas piniling tumakas at lumipad palabas ng bansa para maiwasan ang kaso at pananagutan sa batas.
“Lawyers often say that flight may be indicative of guilt. In this case, continued avoidance of the impeachment trial could be viewed in much the same way,” ani Khonghun.
Aniya, kahit may karapatan ang bise presidente na hindi dumalo sa impeachment trial, hindi dapat isantabi ng pangalawang pangulo ang sentimyento ng sambayanang Pilipino, kasabay ng giit na dapat tigilan na ni Duterte ang pagtatago sa likod ng mga abogado.
“Kung wala kang tinatago, bakit ayaw mong humarap sa trial?”
