KULANG na nga sa mga tauhan, nadagdagan pa ang trabaho. Ito ang agam-agam ng mga pulis matapos atasan ng senado ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang operasyon laban sa pagnanakaw ng kuryente. Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, inatasan ng komite ang PNP at mga utility companies na pagtibayin ang koordinasyon para dakpin ang mga nagkakabit ng jumper, illegal connection at meter tampering. Bukod sa pulisya, pasok din sa operasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) na una nang nagpahayag ng kahandaan protektahan ang mga konsyumer. Samantala, bigo naman ang PNP at NBI maglabas ng datos kaugnay ng mga idinulog na reklamo, operasyon at inihaing kaso sa husgado laban sa pagnanakaw ng kuryente. Sa panig ng mga mambabatas, target naman isulong ang amyenda sa Anti-Electricity Pilferage Act. Gayunpaman, walang binanggit sa pagdinig tungkol sa systems losses na pangunahing dinudulog ng mga konsyumer. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Anak ng mayor, wanted sa panggagantso sa US Ombudsman: Walang maaasahan sa DPWH