“SAME procedure, same SDO, and the same official at the top… bisyo na yan.” Ito ang bulalas ng isang kongresista, kasabay ng panawagan sa Commission on Audit (COA) na tuluyan si Vice President Sara Duterte sa P2.697 billion confidential expenses sa panahon ng panunungkulan bilang alkalde ng Davao City. Partikular na tinukoy ni Manila Rep. Benny Abante kasabay ang testimonya ni former OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta sa pagpapatuloy ng Senate impeachment trial kay Duterte. Aniya, marapat na magsagawa ng malalimang pagsisiyasat sa confidential funds na pinamahalaan ni Duterte mula sa kasalukuyan nitong posisyon, pagiging Education secretary at Davao City mayor. “If COA sees sufficient reason to consider a fraud audit of the confidential funds of the OVP and DepEd, then COA should determine whether the same scrutiny is warranted for Davao,” wika ng Manila solon. “Follow the SOP. Follow the money. Kung pareho ang sistema, dapat tingnan kung pareho rin ang problema,” dagdag niya. Paglilinaw ni Abante, hindi man tahasang itinuturing ng prosekusyon na nagkaroon din ng maling paggamit sa P2.697 billion confidential funds ng Davao City noong si Duterte ang alkalde, higit na angkop pa rin magsagawa ng “independent and more intensive audit.” “Hindi namin sinasabing fraudulent ang P2.697 billion. Ang sinasabi namin: may bagong testimony ngayon tungkol sa paraan ng paghawak ng pera. Kaya i-audit. Alamin. Patunayan,” dugtong ng mambabatas. “Kung malinis ang lahat ng transaksyon, then an independent audit should establish that. But when billions of pesos in public funds are involved, we cannot simply say, ‘Na-audit na iyan noon,’ and refuse to look at new evidence,” dagdag ng kongresista. Sa pagharap sa Senate impeachment court, inamin ni Acosta na nagsilbi siyang SDO para sa Davao City government bago ilipat sa parehong trabaho at amo sa OVP. Sa pag-usisa ng prosekusyon, inamin din ni Acosta ang parehong standard operating procedure na ginamit sa daan-daang milyong confidential funds. “The important question now is whether what we discovered in the OVP was an isolated practice, or whether the same system had been operating much earlier,” ani Abante. “Hindi puwedeng hanggang OVP lang tayo kung ang mismong SDO ang nagsasabing pareho ang SOP sa Davao. Saan nagsimula ang sistemang ito? Gaano katagal itong ginawa? At higit sa lahat, saan napunta ang pera?” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Villar: Comprehensive School Safety Act, dapat isabatas na 107 gov’t officials isinailalim ng Ombudsman sa lifestyle check