YAMAN din lang wala maski isa sa mga alipores ni Vice President Sara Duterte ang tumuga kung saan at paano naubos ang P612.5 million confidential funds na ipinagkatiwala ng taumbayan, nanawagan ang isang kongresista sa impeachment court na maglabas ng subpoena sa akusado para sa katotohanan. Sa isang pahayag, nanindigan si Manila Rep. Benny Abante Jr. na kailangan ipatawag sa paglilitis ng Senate impeachment court ang pangalawang pangulo — “dapat nang talaga ma-subpoena na ang vice president, siya na mismo ang humarap.” Para kay Abante, walang-saysay ang pagsalang sa witness stand ng mga tauhan ni Duterte, pawang nagtuturo kay Duterte na tanging umanong nakakaalam kung saan dinala ang daan-daang milyong pondo. Ang pagharap sa impeachment trial ay magbibigay aniya ng pagkakataon sa nasasakdal na direktang sagutin ang mga alegasyon sa kanya. “This is good for the Vice President. Maganda rin sa kanya ’yan, sapagkat she will be able to answer all the allegations against her. At ‘pag siya ay na-subpoena, hindi naman ibig sabihin guilty siya. We’re not actually saying na guilty siya,” paglilinaw ng mambabatas. “Sabihin ko na ako na nagsa-suggest na ipatawag na. Let’s go to the jugular. Tingnan na natin. Siya ang impeachable officer, dapat talaga humarap na siya,” dugtong ni Abante. Kumbinsido rin si Abante na wala nang dahilan para gisahin pa ang mga tauhan ni Duterte sa usapin ng confidential funds dahil ang pangunahing tinitignan ay ang mismong pananagutan ng bise presidente sa taumbayan at pagiging isang impeachable official. “Huwag na nating pahirapan pa ’yung mga deputies niya, ’yung mga staff niya. Why? Because she is the only one that can actually answer all of those allegations against her.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation China buking, umeepal para guluhin ang impeachment?