SIMULA ngayong araw, pansamantalang mananatili si dating House Spreaker Martin Romualdez sa Philippine General Hospital (PGH) para sa “independent medical examination” na gagamiting batayan sa hirit na hospital detention ng kampo ng dating lider ng Kamara.

Ayon kay Associate Justice Karl Miranda na tumatayong chairman ng Sandiganbayan Third Division, mananatiling si Romualdez sa PGH hangga’t wala pang inilalabas na direktiba ang korte.

Aniya, kailangan sumailalim si Romualdez sa independent medical examination sa PGH. Gagamitin umano ang resulta ng pagsusuri ng PGH sa at medical findings ng mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center para magpasya sa hirit na hospital detention ng kampo ng Leyte congressman .

Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder — isang “non-bailable case” sa ilalim ng umiiral na batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *