MAKARAANG lumabas ang resulta ng “independent medical assessment” na isinagawa sa Philippine General Hospital sa lungsod ng Maynila, ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division ang agarang pagbiyahe ni dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Quezon City. Partikular na pinagbatayan ng Sandiganbayan ang resulta ng medical evaluation kung saan nakasaad na stable si Romualdez at hindi na kailangan manatili sa isang acute care hospital. Ayon sa PGH, hindi nakitaan ng atake sa puso ang dating lider ng Kamara. Wala rin umano dapat ikabahala sa diabetes at hypothyroidism ni Romualdez. Gayunman, nilinaw ng mga doktor na kailangan pa rin umano ni Romualdez regular na blood pressure monitoring, patuloy na pag-inom ng gamot at paggamit ng CPAP machine gabi-gabi kaugnay ng severe obstructive sleep apnea. Nahaharap sa kasong plunder si Romualdez na sinasabing “mastermind” ng tinaguriang flood control scandal.” Sa isang pahayag, nanindigan si Romualdez laban sa mga alegasyon, kasabay ng pagtitiyak na haharapin ang kasong plunder sa hukuman. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagkatapos ni Romualdez, Marcos isusunod – Tinio