PARA kay Senador Mark Villar, malaking bentahe sa sektor ng turismo ang pinagtibay na Child Tourist Safety Act na naglalayon palakasin ang antas ng kaligtasan, kahandaan at kakayahan sa hindi inaasahang insidente habang nasa bakasyon. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Villar ang Senate Bill 19 26 na mas kilala sa tawag na “Sandy’s Act” – halaw sa trahedyang sinapit na anim na taong gulang na si Sandy Garrovillas na nasawi bunsod ng allergic reaction dahil sa kagat ng dikya baybaying dagat ng sa Palawan noong 2023. “The namesake of this bill, Sandy Garovillas, is the child who unfortunately passed due to the untreated allergic reaction after being stung by a jellyfish,” ani Villar. Ayon sa senador, hindi lamang si Sandy ang naging biktima ng kakulangan ng agarang medical aid at emergency response sa mga tourism destinations sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sa ilalim ng panukala, palalakasin ang mga safety mechanism, emergency response, at access sa medical assistance sa mga itinalagang tourism zones. “Through the Sandy’s Act we will institutionalize immediate medical response and resources in identified tourism zones, nang sa ganoon, maiwasan na maulit ang mangyari kay Sandy at sa iba pa,” ani Villar. “Wala na pong bata o turista ang malalagay sa panganib dahil sa kawalan ng medical aid habang sila ay nagbabakasyon,” diin niya. “Ang mas maayos na safety at emergency measures ay makakatulong sa pagprotekta sa mga turista at pamilya, gayundin sa pagpapalakas at paglago ng turismo sa ating bansa.” pagkatapos ni Villar. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Romualdez, biyaheng Quezon City Jail na Palasyo hands-off sa voting threshold ng senado sa kaso ni Duterte