PARA sa mas epektibong tugon sa tawag ng saklolo, iminungkahi ng isang kongresista na isama ang mga lokal na pamahalaan sa 911 Emergency Hotline. “We need complete buy-in from LGUs if Unified 911 is to succeed. Ang mangyayari kasi kung hindi integrated ang local emergency response sa Unified 911, magkakaroon ng duplication sa serbisyo,” pahayag ni Abra lone district Rep. JB Bernos. “Malilito rin ang tao kung kanino sila dudulog sa oras ng sakuna.” Ayon kay Bernos, mas mabilis ang tugon sa tawag ng saklolo sa ilalim ng Unified 911 Emergency Hotline na magsisilbing centralized network ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ilang LGUs, sa pagbibigay ng 24/7 assistance sa alinmang lugar sa Pilipinas. Giit ni Bernos, mas mahusay ang Unified 911 dahil ang “three digits” number ay mas madaling matandaan kumpara sa cellphone number ng emergency command center ng mga lokal na pamahalaan. Panawagan ng mambabatas mula sa hilaga, patuloy na koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at LGUs upang mas maging mahusay emergency response system. “This is a new system, and understandably there will be growing pains. That is why it is necessary that all public order and safety stakeholders work together to improve it,” sabi pa ni Bernos. Hinikayat din ni Bernos ang pamahalaan maglaan ng pondo para sa makabagong emergency response system para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Raffy Tulfo hihirit ng reelection sa 2028 Korte Suprema hands off sa voting threshold ng Senado?