SA kabila ng mataas na grado sa iba’t ibang non-commissioned political survey para sa mas mataas na pwesto sa pamahalaan, mas pipiliin ni Senador Raffy Tulfo tumakbo na lang ulit sa parehong posisyon pagsapit ng 2028 national and local elections .

Sa isang panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel, nilinaw ni Tulfo na hindi siya interesado kumandidato bilang pangalawang pangulo.

Una nang lumutang ang tambalang Robredo-Tulfo matapos umibabaw sa mga political surveys ang apelyido ng naturang senador.

“Na-monitor ko nga. Pero again, wala po akong balak talaga… si Erwin siguro pwede kasi nothing to lose. Pag natalo siya pwede siyang bumalik sa Senado. Ako pag natalo, bokya. So wala, wala akong balak.” dagdag pa niya.

Para kay Tulfo, mas malaki ang kanyang maitutulong bilang mambabatas.

“Maganda sa Senate kasi marami akong nagagawa, marami akong naaaksyunan. So I’m more effective being a Senator rather than becoming a VP. Anong gagawin ko dun as VP?” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *