WALA ideya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa estado ng hirit asylum ni former presidential spokesperson Harry Roque sa bansang Austria. Sa ginanap na budget deliberation ng Kamara sa proposed budget ng DFA, ibinahagi ni Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal — na tumayong sponsor ng P35-billion budget proposal para sa DFA — wala pa rin kumpirmasyon sa tunay na sitwasyon ng hiling na political asylum ng dating tagapagsalita ng Palasyo. Nang usisain hinggil sa nakabinbing red notice laban kay Roque, sinabi ni Oaminal na responsibilidad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pakikipag-ugnayan sa Interpol para sa red notice. Unang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na na-deny ang asylum application ni Roque kaya tinatrabaho na umano ng ahensya ang pag-iisyu ng red notice laban kay Roque na nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal kabilang ang qualified human trafficking na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO). Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Kamara abangers sa Anti-Dynasty Bill ng Senado Raffy Tulfo hihirit ng reelection sa 2028