SA halip ng salagin ang mga alegasyon, mas pinili ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte gumamit ng ipinagbabawal na teknik ma kilala sa tawag na delaying tactic. Para kay Manila Rep. Benny Abante, iba ang ginagawa ng defense panel sa paandar ng kampo ni Duterte. “Akala ko ba gusto nilang pabilisin (ang trial)? Eh bakit parang sila pa nagdi-delay?” patutsada ni Abante, na tumatayong chairman ng House Committee on Human Rights. Giit ni Abante, ang pahayag ng legal counsel ng bise presidente hinggil sa pagdulog sa Supreme Court (SC) kaugnay ng usapin sa voting threshold ay isang patunay na sadyang inaantala ang impeachment proceedings. “Ibig sabihin, they’re delaying the proceeding. Dapat malaman ng taong-bayan, sino ba ang nagdi-delay. Delaying tactic ang ginagawa ng defense lawyers,” dugtong ng mambabatas. Ani Abante, ang usapin ng voting threshold ay hindi dapat maging hadlang sa patuloy na paghahanap ng kasagutan hinggil sa pananagutan ni Duterte, na determinadong patunayan ng prosekusyon. Naninindigan ang ranking House official na ang dapat pagtuunan ng pansin ng mismong inuusig ay sagutin ang mga kinakaharap na impeachment charges, sa halip na ipaharap sa paglilitis ang kanyang mga tauhan at tagapagtanggol. “Sino ba nakakaalam kung ma-convict siya o hindi? Hindi naman pinag-uusapan dito na all of a sudden ay guilty na ang Vice President. Meron siyang pagkakataon sagutin lahat ang mga allegations ito.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Dagdag-pasahe sa lahat ng pumapasada, namumuro Pinas lalayasan ni Robin pagkatapos ng termino