DAHIL na rin sa hindi makontrol na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, masusing pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagpapataw ng dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Bukod sa dagdag-pasahe, kinokonsidera na rin ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng ayuda sa mga tsuper at operator ng mga public utility vehicles (PUV). Una nang nagdaos ng pulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kasama si Executive Secretary Ralph Recto para talakayin ang programang tutugon sa sitwasyon ng mga tsuper at operator na umaaray na sa patuloy na pagsipa sa presyo ng krudo sa merkado. “The proposed fare adjustment for public utility vehicles was among the matters discussed, and we hope to arrive at a positive decision in the coming days,” pahayag ng DOTr. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga senador na ‘no-show’ walang karapatan bumoto Delaying tactics solusyon ng depensa sa palapit na hatol