TARGET ng mga kaalyado ni former House Speaker Martin Romualdez magtungo sa New Quezon City Jail para dalawin ang dating lider ng Kamara sa sandaling magbigay ng pahintulot ang Sandiganbayan Third Division. “Balak ko dalawin din… ang balita ko, mga kamag-anak pa lang at saka mga abogado [ang pwedeng dumalaw],” wika ni Manila Rep. Benny Abante, kasabay ng pahayag ng pagkabahala sa kalagayan ni Romualdez. Sumang-ayon naman si former Surigao del Norte Rep. Ace Barbers na kailangan may basbas ng korte ang pagbisita ng mga indibidwal sa labas ng pamilya. “Hindi natin pwedeng basta dalawin si former Speaker. Pero pag okey sa korte, siguradong dadalawin natin siya,” sambit ng dating kongresista. Ayon kay Barbers, malaking bentahe sa dating lider ng Kamara ang pagbisita ng mga kaibigan at kasama sa trabaho sa loob ng mahabang panahon. “Syempre gusto rin natin malaman kung ano ’yung estado ng kanyang health,” aniya pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Romualdez bilang House Speaker, si Barbers ang tumayong lead chairman ng tinaguriang quad committee na nagpasimula ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian ng mga Duterte. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pinas lalayasan ni Robin pagkatapos ng termino 170-ektarya ng Laguna de Bay sa Taguig, titulado na