HIGIT pa sa pakikidalamhati ang hirit ng pamuan ng Kamara sa mga naulilang pamilya bunsod ng trahedyang dala ng mga insidente ng karahasan sa mga paaralan.

Sa isang kalatas, tiniyak ni House Speaker Speaker Faustino Dy III na tutugunan ng Kamara ang pagsusulong ng mga hakbang para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga eskwelahan, gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa pagkakaroon ng baril.

“This latest tragedy reinforces our resolve to build safer and more caring schools for every Filipino child. Bilang isa sa ating mga agarang hakbang, naghain kami ni Majority Leader Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos ng House Bill No. 11387 upang palakasin ang ating mga batas at safeguards sa pagmamay-ari, pag-iingat, at paggamit ng baril,” wika ni Speaker Dy.

“This is a concrete step that we believe is necessary to prevent minors and other unauthorized persons from gaining access to firearms,” dugtong ni Dy.

“Lubos tayong nalulungkot at nababahala sa insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato. Nakikiisa tayo sa mga mag-aaral, kanilang mga pamilya, mga guro, at sa buong komunidad ng paaralan na naapektuhan ng trahedyang ito.”

Partikular na tinukoy ni Dy ang House Bill No. 11387 (Responsible Firearm Ownership and Safe Storage Act), na naglalayon maiwasan ang pagkakaroon ng access sa baril ng mga menor de edad o sinumang hindi awtorisadong indibidwal.

Aniya, ang nasabing insidente sa Banga National High School ay bahagi ng seryoso at nagpapatuloy na problemang  nangangailangan ng agarang aksyon at pangmatagalang solusyon.

“This is deeply concerning and distressing because it is not an isolated incident. Sa nakalipas na mga buwan, may iba pang pamamaril na naganap sa loob o paligid ng mga paaralan na kinasangkutan ng mga estudyante. Isa itong seryosong suliranin na kailangan nating tugunan kaagad,” dagdag ng House Speaker.

Naniniwala si Speaker Dy na ang pagbibigay proteksyon at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral ay dapat gawin sa pamamagitan ng mas mahigit na security measures, at kaakibat nito ang malakas na values formation, support systems, at interventions na makakilos agad kapag mayroong nakitang senyales bago pa maganap ang karahasan.

“We must take a hard look at how we can better protect our learners—not only through stronger school safety measures, but also by strengthening the values, support systems, and early interventions that can prevent violence in the first place.” 

“At the same time, mental health support for learners must be strengthened. Students experiencing distress, conflict, trauma, or other difficulties must have safe and accessible avenues to seek help. Schools must be equipped not only to respond when a crisis occurs, but also to recognize warning signs and provide timely and appropriate support,” pahabol ni Dy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *