BILANG isang public official, dapat batid ni Davao City Mayor Baste Duterte ang kapangyarihan ng Senate impeachment court na magpatawag ng testigo. Ayon kay House prosecution panel spokesman at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, inaasahan ng lupon ng tagausig ang pagtugon ng alkalde sa subpoena na kumpirmadong natanggap ng nakababatang kapatid ng pangalawang pangulo. “As far as the subpoena is concerned, dapat po pumunta siya. Being a public servant, and a mayor at that, he understands, I believe, the subpoena power of the Senate,” pahayag ni Alonto Adiong. Subalit nilinaw ng Lanao del Sur lawmaker na nasa pagpapasya pa rin ni Duterte kung haharap ito sa impeachment trial ng kapatid na si Vice President Sara Duterte. Sakaling hindi sumipot ang alkalde, iginiit ni Alonto Adiong na dapat manaig ang subpoena power. Tumanggi naman siya pangunahan ang hakbang ng impeachment court sa sandaling isnabin ng alkalde ang subpoena ng korte. Samantala, dahil sa relasyon ng alkalde kay Vice President Sara Duterte, isusulong ng prosekusyon na ideklarang hostile witness si Mayor Baste. Target ng prosekusyon na igisa si Mayor Baste sa 15 kontrata sa Davao City government sa GenCorp Industries Inc., na may kabuuang halaga na P34.22 million. Sa isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bise presidente, kasama ang naturang kompanya sa mga idineklara ng nasasakdal. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Imbestigasyon sa mga ghost projects sa Taguig City, tuloy Pamilya Duterte pro-China hanggang sa negosyo