KUNG bibigyan ng pagkakataon magpasya, mas nanaisin ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon lisanin ang ahensya. 

Sa pagtalakay ng Senado sa panukalang budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kinuwestyon ni Senador Imee Marcos ang holdover capacity ni Dizon.

Ayon sa senador, nag-expire na ang holdover capacity ni Dizon bilang acting Secretary ng DPWH matapos italaga sa pwesto noong Setyembre 1 ng nakalipas na taon.

Sa ilalim ng Section 17, Book 3 ng Administrative Code of 1987, malinaw na isang taon lang ang limit sa paggamit ng acting appointments.

Nang tanungin kung may legal na basehan si Dizon na humarap sa senado bilang Kalihim gayung tapos ang ang “one-year holdover capacity,” mabilis na tugon ni Dizon — “Siguro po dahil hindi pa ako sinisibak ng Pangulo.”

Pag-amin ni Dizon, ayaw na rin niya sa DPWH at mas nanaisin niyang palitan na siya sa naturang ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *