HIGIT na pinaigting ng Office of the Ombudsman ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y mga ghost projects sa baluarte ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano. Para kay Ombudsman Crispin Remulla, walang bisa ang pahayag ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na hayagang nagsabing wala maski isang ghost projects na nakita ang DPWH sa lungsod ng Taguig. Ayon kay Remulla, masusing sinisiyasat ng Office of the Ombudsman ang mga umano’y “ghost” flood control projects batay sa mga ebidensyang isinumite ni Senador Panfilo Lacson. “Pinag-aaralan namin iyan. Under investigation iyan,” wika ni Remulla. “Flood control revetment ginawang reclamation,” dagdag pa ng Ombudsman, kasabay ng giit na lubos niyang nauunawaan kung bakit hindi agresibo ang kalihim ng DPWH sa isyu ng flood control project sa Taguig. “Hindi siya masyadong aggressive diyan kasi very close naman siya kay Alan Cayetano,” bulalas ni Remulla. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Dizon umay na sa gobyerno, ayaw na sa DPWH