HINDI nalalayo sa modus na ginamit ng Office of the Vice President (OVP) sa P612.5 million confidential funds at sa P168-million Disaster Risk Reduction and Management Fund ng nasabing tanggapan. Sa isang kalatas, nagpahayag ng agam-agam si Lanao del Sur Rep, Zia Alonto Adiong sa aniya’y magkakahawig na estilo sa paglulustay ng pondo gamit lang ang alyas para magmukhang totoo. “Baka lumabas diyan si Mary Grace Piattos ang isa sa mga nakatanggap ng ayuda,” pasaring ni Alonto Adiong na tumatayong tagapagsalita ng House prosecution panel. Aniya, hindi maglalabas ng “note of observation” ang Commission on Audit (COA) kung walang paglabag sa audit guidelines ng ahensya. Kasama sa pinuna ng COA ang P19.67 million “discrepancies” sa welfare goods, OVP situation reports at local government validation record. Ayon kay Alonto Adiong, kahit hindi kabilang sa impeachment articles na inihain laban kay Vice President Sara Duterte ang panibagong COA red flags sa OVP, hindi rin maiaalis na maikumpara ang naturang obserbasyon sa alegasyon ng maling paggamit ng nasasakdal sa P612.5 million confidential funds. “We can see the striking resemblance and the parallelism between what we have already presented during the confidential funds—missing documents, insufficient evidence to support payments, purchases of information—with the new information that we saw from COA,” anang Lanao del Sur solon. “The Office of the Vice President has to rectify their records. COA will really flag kung mayroon silang nakikitang deficiencies and defects,” dagdag niya. Kaya naman pabirong naisaad ni Alonto Adiong na kapag nabusisi mabuti ang mga dokumentong isinumite ng OVP sa COA ay lumabas din ang pangalan ni Mary Grace Piattos at iba pang mga pangalang hindi matukoy ang pagkakakilanlan sa mga tumanggap ng ayuda. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Petisyon laban sa bagong voting threshold hilaw pa? P433-M Lucky Spin jackpot sapul, premyo hindi ibinigay