PAGKATAPOS isuko ng administrasyong Marcos sa mga banyaga si former President Rodrigo Duterte, posibleng sunod na ipaarbor sa Estados Unidos si dating presidential spiritual adviser Apollo Quiboloy.
Pag-amin ni Secretary Frederick Vida, nalalapit na ang paghahain ng Department of Justice ng petisyon sa korte para sa extradition ni Quiboloy na pakay ng extradition request mula sa Embahada ng Amerika.
“Quiboloy, we’re in the final stages already. Nagle-legal scrapping na lang kami. We’re almost ready to file that petition,” wika ni Vida sa isang pulong-balitaan.
Agosto nang hilingin ng US Government sa Pilipinas na i-extradite si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong sex trafficking at iba pa sa natuerang bansa.
Kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail si Quiboloy kaugnay ng kasong qualified human trafficking at paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse and Discrimination Act.
