DAHIL sa kawalan ng sapat na dokumentong patunay ng pagkalas sa kumpanya, nanatiling stockholder pa rin ng kontrobersyal na Cale88 Food Corp. ang abogadong kabiyak ng bise-presidente. Ayon kay forensic financial analyst Atty. Alex Cabrera, walang isinumiteng general information sheet (GIS) si Atty. Mans Carpio sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang patunay ng pagkalas sa Cale88 — ang kumpanyang nakatanggap ng kabuuang P319.326-million foreign remittances mula sa bansang China. Para kay Cabrera, na isang Certified Public Accountant, walang bakas na ibinenta ni Carpio ang 47.7 percent shares of stocks sa nasabing kumpanya. Bukod sa Cale88, nasilip din ni Cabrera ang isa pang kumpanya ni Carpio — ang Pikimong-Pikimong. Sa clarificatory questioning ni Senator-Judge Francis Pangilinan sa forensic financial expert, binalikan ang naging pagtestigo ni Atty. Anne Loraine Garcia Marquez, chief of staff ng Office of the Commissioner-Bureau of Internal Revenue (BIR). “Kasi nung isang araw, yung testigo ng BIR, tinanong tungkol sa hindi fully paid yung subscription ni Mans Carpio, at dahil hindi fully paid, walang na-isyu na shares at pag walang na-isyu na shares hindi maililipat,” ani Pangilinan. “Opo, yung BIR po, subscription pa lang taxable na, pero meron po siyang legal basis eh,” sagot ni Cabrera. “Ang point of view ng defense, pag hindi pa fully paid hindi pwedeng ilipat,” dugtong ng senador. “Tama naman po yun. It will only prove the point na hindi po kalipat-lipat, di po ba? Kasi kung hindi pa nga po bayad, eh tama nga pong manatili dito sa SALN (statement of assets, liabilities and net worth),” tugon ng prosecution expert witness. Setyembre 2021 nang itinayo ni Carpio ang Cale88 kung saan mayroon silang tig-47.5 percent shares ng dentista ng bise presidente subalit nitong 2025 ay iniulat ng kumpanya sa Securities and Exchange Commission (SEC) na ito ay majority-owned na ng Pikimong-Pikimong. Sa pagbusisi sa financial records ng Cale88, mula 2022 hanggang 2024 ay nakatanggap ito ng kabuuang P776 million foreign remittances, kabilang ang P319 million mula sa ilang Chinese companies. Itinuring naman ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na “covered” at “suspicious transactions” ang pagpasok na ito ng milyones na pera sa bank account ng Cale88 partikular ang mula sa China dahil sa kawalan ng supporting documents gaya ng sales invoices at wala rin umanong legal, trade at economic purpose, na akma sa financial profile ng kumpanyang meron lang P125,000 paid-up capital. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 90-araw suspensyon kasado kontra Sen. Jinggoy Estrada