KUMPYANSA ang panig ng prosekusyon sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte na mahihirapan ang mga defense panel baliktarin ang nabistong P818 milyong hanggang P1.5 bilyong “unexplained wealth.”

Ito ang tahasang sinabi ni House Impeachment Adviser and Trial Spokesman, former Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, na todo-panalig sa naiprisintang mga ebidensya at testimonya ng prosekusyon, kabilang na ang salaysay ng expert witness na si Lawyer-accountant Alexander Cabrera, na isang forensic financial audit analyst.

“Kumpiyansa po kami na ang aming ebidensiya na inilatag ay hindi basta-basta madi-dispute o mare-rebut ng depensa,” ang pahayag pa ni Barbers sa pagdalo sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, Quezon City.

Giit ng former Mindanaoan lawmaker, malaking hamon sa defense team kung paano nito sasalungatin ang mga dokumentong ginamit ng prosekusyon para pagtibayan ang alegasyong pagkakaroon ng hindi maipaliwanag ng bise presidente lalo’t pawang official records ito ng iba’t-ibang private at government financial institutions o agencies.

Ibinigay na halimbawa ni Barbers ang mismong Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) na pinanumpaan at isinumite ng Duterte, gayundin ang income tax filling at records nito at mister na si Atty. Manases Carpio at business documents ng mga kumpanyang iniuugnay sa mag-asawa.

“Ito ay galing mismo sa respondent, yung BIR (Bureau of Internal Revenue) tax filings, yung SALN, yung shareholdings sa corporations mula sa SEC (Securities and Exchange Commission),” pagbibigay-diin pa ni Barbers.

“These records ay galing mismo sa mga ahensiya ng gobiyerno, na nagpapatunay na hindi ito gawa-gawa o minanipula, kundi ito ay mga dokumento na susuporta sa ating allegation na meron talagang hindi maipaliwanag na yaman ang ating Pangalawang Pangulo,” dagdag niya.

Hinggil naman sa naging testimonya ni Atty. Cabrera, sinabi ni Barbers na mapapansin sa cross-examination dito ay tinangka, subalit malinaw na nabigo naman ang depensa na atakehin ang kredibilidad, integridad at pagiging patas ng naturang forensic financial expert.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *