PARA sa mga maliliit na negosyante, hindi na dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan pagdating sa kasunduan. Gayunpaman, iba ang diskarte ng isang maliit na negosyo ng tinaguriang “AmiananPH,” isang cultural gift shop na tumutulong sa mga komunidad sa paraan ng pagbibigay ng kabuhayan. Sa isang Facebook post, partikular na tinukoy ng “AmiananPH” ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Energy (DOE) hindi pa rin umano nagbabayad sa mga inorder na souvenir items na ipamimigay sa mga delegadong dadalo sa nalalapit na ASEAN Summit. Ayon sa naturang post, ilang buwan nang hindi nababayaran ang in-order na 250 handcrafted Capiz Lamp at mga personalized Inabel towel. “Minadalli nyo po kami para tapusin yung mga souvenir items nyo for ASEAN tapos pahirapan kayo singilin pinagpapasa-pasahan nyo na lang yung tao kakahintay sa bayad nyo,” saad ng small business owner. “9 months na po kayo walang bayad CHED and lagpas na po ng 1 month si DOE. baka naman po. Ni piso po wala kayong downpayment. Nakakapagod kayo kausap,” dagdag pa nito. Ibinahagi rin ng local shop ang epekto ng pagkaantala ng bayad sa kanilang operasyon at sa mga komunidad na kanilang sinusuportahan. “Ang dami pong mga communities ang sinusuportahan namin, paano na po sila ngayong pasko? Hindi po makagalaw ang negosyo kung natutulog lang sa inyo yung pera.” Bukod umano sa kanila, marami pang lumutang na supplier na umano’y tuluyan nang nawalan ng pag-asa makasingil sa gobyerno. Sinabi ng amiananpH na nagpasya itong ilantad sa publiko ang problema matapos malaman na hindi lamang sila ang nakararanas umano ng kahirapan sa paniningil sa mga transaksiyon sa pamahalaan. Binigyang-diin ng negosyo na ayaw nitong matulad sa ibang maliliit na negosyo na napilitang magsara dahil sa paulit-ulit na paniningil at hindi nabayarang mga kontrata. “Ilang buwan na po ako nagmamakaawa makasingil lang. Wala kayong ginawa kundi magtuturuan kung sino dapat ang sisihin.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga negosyo ni Duterte, namumuro sa tax fraud Suansing inginuso ni Puno sa House budget insertions