SA gitna ng matinding kahirapang nararanasan ng sambayanan, hindi angkop ang magarbong pagdiriwang ng nalalapit na kapaskuhan sa mga tanggapan ng pamahalaan. Panawagan ng Malacañang sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, gawin simple ang kanilang Christmas party bilang bahagi ng pagtitipid dahil sa nakaambang hamon ng super El Niño sa bansa. Ayon kay Palace Press Office Claire Castro, higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang paghahanda upang mapagaan o kung hindi man ay mabawasan ang epekto ng El Niño sa mamamayan at maging sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda. Paalala ni Castro sa mga kawani ng gobyerno, patuloy ang pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Gayunpaman, nilinaw ni Castro na walang pumipigil sa mga kawani ng pamahalaan ipagdiwang ang Kapaskuhan — sa simpleng paraan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Solon napabilib sa dekano, pagkampi kay Sara tinabla Abogado ni Sara, walang ipiprisintang ebidensya?