“SOBRANG napahanga ako.” Ito ang sambit House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro sa pagtanggi ni former University of St. La Salle College of Law dean Ralph Sarmiento na tumestigo para kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Luistro ang aniya’y paninindigan ni Dean Ralph Sarmiento sa hiling ng depensa katigan ang pangalawang pangulo.

Pinuna rin ni Luistro ang aniya’y kabiguan ng depensa alamin muna kung payag ang respetadong legal personality na mapabilang sa ipatatawag bilang defense witness.

“I’m quite surprised na it seems that the defense did not reach out to him prior to filing the motion for issuance of subpoena to this witness,” wika ng kinatawan ng Batangas sa Kamara.

“He (Sarmiento) wants to maintain his independence and impartiality in sharing his opinions,” dagdag ni Luistro

Una nang nagpahiwatig ang depensa isalang sa witness stand si Sarmiento para talakayin sa harap ng senator-judges ang constitutional at legal questions kaugnay ng kinakaharap na kaso hinggil sa unexplained wealth ng bise-presidente.

Subalit sa inilabas na recorded statement ni Sarmiento, sinabi niyang hindi siya magbibigay ng salaysay sa kanino man panig ng impeachment proceedings dahil nais niyang mapanatili ang kanyang “independence” bilang isang constitutional law professor at legal analyst. 

Hirit ni Sarmiento sa kampo ni Sara, bawiin ang subpoena.

Samantala, usap-usapan sa senado ang posibilidad na sumalang bilang testigo sa paglilitis ang mismong nasasakdal.

“To be very honest, kung a-appear si Respondent Vice President, it will be to the advantage of the prosecution. Sometimes she loses control of what she says,” anang House lead prosecutor.

Nanindigan si Luistro na matibay ang inihaing Article II (unexplained wealth) laban kay Duterte lalo pa’t pawang dokumentado sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno ang mga nakalap na ebidensya ng prosekusyon.

“Yung ITR, it was the respondent’s own declaration of income as well as that of the spouse and their companies.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *