PARA sa pamunuan ng House Committee on Agriculture and Food, dapat paspasan ng Department of Agriculture (DA) pagsusumite ng mga requirements na hinihingi ng Department of Budget and Management (DBM) upang agad na mailabas ang natitirang P14-bilyong pondo sadyang inilaan sa paghahanda sa nalalapit na Super El Niño. Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga na tumatayong chairman ng komite, tiniyak ng DBM sa mga kongresista na handa na ang pondong pwedeng gamitin ng DA sa pagtugon sa pinangangambahang weather phenomenon. Ang problema aniya, hindi pa rin nagsusumite ng requirements ang DA. “Meron pa silang (DA) P14 billion na unreleased. Sabi ng DBM, okay naman daw. They’re ready to release the fund as long as the DA complies with the requirements of the DBM,” anang House panel chair. Ang nasabing halaga ay bahagi ng P61.99-billion 2026 El Niño action plan, kung saan nakapaloob ang financial interventions fund para protektahan ang sektor ng agrikultura, gayundin ang mga mamimili, mula sa magiging epekto ng matindi at mahabang tag-init. Giit ni Enverga, hindi na hintayin pa ng gobyerno maramdaman ang pinsalang idudulot ng Super El Niño bago kumilos. “Ang preparations para po dito sa Super El Niño na haharapin natin, ang mahalaga is the preparation should be done now,” dugtong ng kongresista. Paglilinaw ni Enverga, ang P14 billion na pondo ay “available for release” para sa kasalukuyang taon — bukod pa sa alokasyon kontra kalamidad na nakapaloob sa panukalang 2027 national budget. “So yung next year, yun lang po ang magtutulay doon sa sinimulang preparations for the Super El Niño,” ani Enverga, kasabay ng giit na mahalaga ang tuloy-tuloy na hakbang ng gobyerno para protektahan ang agricultural production at kabuhayan ng mga magsasaka. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Farm-to-market road projects ng DA, bantay-sarado sa Kamara Solon napabilib sa dekano, pagkampi kay Sara tinabla