Kumasa ang mga kongresista mula sa iba't ibang partido sa Kamara, na ilantad ang alokasyon sa bawat distrito, alinsunod na rin sa rmungkahi ng People's Budget Coalition.

NAGKAKAISANG naghayag ng ang mga lider ng iba’t-ibang major political parties sa Kamara sa panawagang mailahad sa publiko ang pondong inilaan sa bawat distrito sa ilalim ng 2027 national budget.

Sa isang pulong-balitaan, dumalo ang mga kinatawan ng National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nacionalista Party (NP) na nagpaabot din ng kanilang pagsuporta sa malawak na reporma sa budget deliberations kabilang na ang pagiging bukas nito sa taumbayan, kasama na ang hanay ng civic organizations.

“Wala po kaming problema na ipakita kung ano ’yung mga proyekto sa kanya-kanyang distrito. We want to be very transparent and makikita naman po talaga ito,” ang mariing sabi ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella, na kabilang sa mga haligi ng NPC.

Sumegunda naman si Negros Oriental 3rd District Rep. Janice Degamo, ranking member ng Lakas-CMD, kasabay ng giit na walang tinatago sinumang sa kanilang kapartido tungkol sa district allocations.

“Every member of the party is open to show the budget. Walang tinatago po ang mga kasama natin in the party,” paliwanag ng mambabatas.

Sang-ayon din si Davao del Norte 2nd District Rep. JM Lagdameo, ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na magkaroon ng public access sa district budget information, kasama na sa pamamagitan ng online budget portal ng Kamara.

“On behalf of PFP, we share the same sentiment as Honorable Fuentebella and Honorable Degamo for the point of transparency for our budget and the budget process. We’re okay to have it open as well as the portal being available also as a method of or a means of transparency,” aniya.

Hindi rin naman tinutulan ni Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo Sr., ng Nacionalista Party (NP) na maisapubliko ang pondong matatanggap ng bawat congressional district sa 2027 national budget.

“Wala hong problema ang Nacionalista Party in terms of allocations,” saad ni Momo, na nilinaw naman na hindi maaaring maging magkakapareho ang pondo para sa bawat distrito.

“We believe that there is no equal allocation in each district. Wala hong equal talaga. May malalaking distrito, may mga distrito ang dinadaanan ng bagyo, may mga distrito maraming river systems, mayroon mga distrito na laging prone to typhoon and earthquakes,” paliwanag niya.

Binigyan-diin naman ni Bataan 2nd District Rep. Albert Garcia, ng NUP, na mahigpit na isinusulong ng liderato ng Kamara ang mga reporma sa pagtalakay sa panukalang pambansang badyet kabilang na maging mas accessible ito sa taumbayan.

Samantala, inihayag ni FPJ Panday Bayanihan Partylist Rep. Brian Poe na hanay nilang party-list lawmakers ay handa rin nilang maisapubliko ang kanilang funding requests para sa mga programa at proyekto na nais nilang maipatupad lalo’t kakaiba ang kanilang sitwasyon sa hanay ng district representatives.

“Medyo iba ’yung sitwasyon po ng mga party-list kasi wala naman po kaming distrito. So, unlike a district where you have a set budget for a district, it’s more of requests that are submitted to agencies from party-lists for their sectors or the groups they represent,” ani Poe. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *