KUNG susumahin, maliit na bahagi lang ang kinukuwestyong paglalagay ng 4,000 multi-purpose buildings projects sa ilalim ng 2027 national budget kumpara sa kabuuang bilang ng mga barangay na nangangailangan. “If I recall correctly, we have around 4,000 multi-purpose buildings. And how many barangays do we have? 42,000 barangays. So, that is a mere 10% of the needs of our barangays across the nation,” wika ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman at Bataan 2nd District Rep. Albert Garcia. Pagtatanggol pa ni Garcia, malaking tulong ang naturang public facilities, particularly sa mga malalayong komunidad sa labas ng Metro Manila. “The multi-purpose buildings serve as evacuation centers, covered courts, barangay meeting places and venues for community activities. Some facilities in agricultural areas are also used to dry palay, providing additional support to farmers,” sambit pa ng ranking House official. Sa panig ni Negros Oriental 3rd District Rep. Janice Degamo, ng Lakas – Christian Muslim Democrats, maraming malalayong sitio ang walang ibang pasilidad bukod sa public school building. “Minsan isang structure, lahat ng kailangan gawin doon ginagawa dahil wala pong iba,” sabi pa ni Degamo. Giit ni Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella, ng Nationalist People’s Coalition (NPC), ang panukalang 4,000 multi-purpose building ay hindi pa sapat para tugunan ang pangangailangan ng mga barangay sa bansa. “Kung iisipin nga ’yung 4,000 na ’yon ay parang kulang po, kasi 10% lang ’yan sa whole barangays ng buong Pilipinas,” ani Fuentebella. Maituturing din na hindi mismong mga kongresista ang siyang nagsusulong para sa nasabing proyekto dahil kadalasan ito ay hiling ng mga mayor o barangay officials sa kanilang congress representative. Ang pahayag ay tugon ng mga mambabatas sa pagkuwestyon sa paglobo ng ₱43-billion sa pondo para sa konstruksyon ng multi-purpose buildings na nakapaloob sa House-approved 2027 national budget. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Paglalantad ng alokasyon kada distrito kinasahan Unang testigo ng depensa, walang kwenta?