SA pagpapatuloy ng paglilitis sa kasong kinakaharap ni Vice President Sara Duterte, isinalang ng depensa bilang testigo ang isang abogadong ‘malapit’ sa esposo ng pangalawang pangulo.

Sa pag-usisa ng prosekusyon kay Atty. Anel Martin Antero bilang defense witness, kinumpirma ng testigo ang pagiging malapit kay Atty. Manases Carpio, mister ng nasasakdal bise-presidente.

Nang tanungin ni House private prosecutor Virgil Ligutan si Antero na sa pagiging malapit nito kay Carpio, sumagot ang abogado — “Yes sir, he’s like a brother to me.”

Ibinahagi rin ni Antero testimonya hinggil sa pagbabayad ni Carpio ng P205,000, gamit ang credit card para sa isang salo-salo sa Japan.

Tinanong din ni Ligutan ang saksi kung may natanggap na pera mula sa esposo ng bise presidente. Ani Antero, “I am part of his firm, sir. From time to time, I receive some compensation from my professional services, sir.” 

Sa tugon ni Antero, binanggit naman ng private counsel ang nilalaman ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung saan nakatala ang P580,000 money transfer mula sa account ni Carpio patungo sa account ni Antero noong July 2020.

Subalit sagot ni Antero, hindi niya natatandaan ang nasabing transaksyon kahit pa ipinakita sa kanya ng prosekusyon ang kopya ng AMLC report.

“I still don’t recall, sir,” sambit pa niya.

Hinggil naman sa P205,007.29 restaurant bill na binayaran ni Carpio sa Tokyo noong May 2023, sinabi ni Antero na yun ay abono lang mula ng una para sa hapunan ng kanilang grupo, na kalaunan ay ibinalik din nila.

Sundot ni Ligutan, “aside po from the words coming from your mouth, ikaw po ba ay makakapagpakita ng isang dokumento, isang online transfer, isang acknowledgment from Atty. Carpio na natanggap niya na yung reimbursement? Do you have that document, sir?” 

“Wala po,” tugon ni Antero. “Wala po akong dalang photograph, Your Honor.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *