ISA’T kalahating buwan bago matapos ang taon, apat punong-abala sa mga kawanihan ng pamahalaan ang binalasa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa direktiba ng Pangulo, pamumunuan ni Finance Undersecretary Rolando Ligon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) bilang bagong Commissioner, kapalit ni Charlito Martin Mendoza na inatasan ‘linisin’ ang Bureau of Customs (BOC). Hindi na bago sa BOC si Mendoza na nagsilbing District Collector sa Port of Cebu mula Hulyo 2019 hanggang Oktubre 2022. Sa pagpasok ni Mendoza sa BOC, lipat-bahay naman sa Bases and Conversion Development Authority (BCDA) ang dating Customs Commissioner na si Ariel Nepomuceno. Usap-usapan din sa Palasyo ang napipintong paglipat ni BCDA President at Chief Executive Officer Joshua Bingcang bilang director general ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), kapalit ni Tereso “Theo” Panga. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mamahaling sapatos pinakyaw ni Mans Carpio sa Malaysia