HINDI pa man ganap na natatapos ang paglilitis na isinasagawa ng Senate impeachment court, usap-usapan na ang mga personalidad na posible umanong ipalit kay Vice President Sara Duterte sakaling ma-convict sa kinakaharap na kaso. Kabilang sa umuugong na pangalan si Senador Vicente Sotto III na minsan nang kumandidato sa posisyon ng pangalawang pangulo. Sa panayam na umere sa Bilyonaryo News Channel, kumbinsido ang political analyst na si Professor Howard Calleja na malaking bentahe ang panunungkulan ni Sotto bilang dating senate president. Bukod kay Sotto, isa rin umano sa mga matunog na pangalan ang isa pang dating senate president na si Juan Miguel Zubiri. Para kay Calleja, mas nanaisin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. makatuwang sa pangangasiwa ng bansa ang isang bise-presidente mula sa Visayas o Mindanao. Si Sotto ay mula sa Cebu at si Zubiri ay mula sa Bukidnon. Pasok rin sa mga posibleng ipalit kay Duterte si Senate President Sherwin Gatchalian.la sa katimugang bahagi ng bansa, sapagkat parehong mula sa Northern Luzon si Dy at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Tambalang Revillame-Tulfo, namumuro sa Quezon City Matibag kontra Aragones para Laguna governor?