BANTAY-sarado sa Department of Health (DOH) ang kakaibang klase ng malaria na kumakalat sa dalawang bayan sa lalawigan ng Palawan. Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ng DOH – Mimaropa regional office ang mga kaso ng malaria sa mga bayan ng Roxas at San Vicente. Sa pagsusuri ng mga eksperto mula sa World Health Organization, lumalabas na dulot ng “plasmodium knowlesi parasite” — nana mula sa mga unggoy — ang sanhi ng malaria sa mga nabanggit na lokalidad. Ayon kay Oscar Macam Jr., vector-borne disease coordinator ng DOH Mimaropa, naipapasa sa tao ang karamdaman sa pamamagitan ng kagat ng infected na lamok na Anopheles. Suspetsa ng mga eksperto, may kaugnayan ang mga naitalang kaso ng malaria sa Palawan sa kahalintulad na karamdaman sa Malaysia na matatagpuan sa gawing katimugan ng bansa. Sa datos ng Research Institute for Tropical Medicine, umabot na sa 15 ang kumpirmadong kaso ng malaria sa Northern Palawan — 10 sa San Vicente at lima sa bayan ng Roxas. panganib ng pagkalat. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Matibag kontra Aragones para Laguna governor?