Ni Lily Reyes
NAKIPAGPULONG sina Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, kasama ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga miyembro ng Metro Manila Council (MMC) sa City of Los Angeles Emergency Management Department (LA EMD) para sa isang study tour sa kalamidad at emergency response.
Sa dayalogo, sinabi ni Abalos, MMDA acting chairman Atty. Don Artes, at mga mayor ng Metro Manila ang iba’t ibang exercises at modernong teknolohiya na ginamit ng LA EMD.
Aniya, malaki ang maitutulong ng study tour at pakikipagtalakayan kay LA EMD General Manager Carol Parks sa mga plano at pagsisikap ng DILG at iba pang local chief executives sa bansa kaugnay ng disaster risk management at emergency response.
“Witnessing exercises and technologies being used by other countries and cities such as Los Angeles would be beneficial for the betterment of our country’s own response from the cities and provinces down to the barangay level. Through this, we can learn a thing or two in managing and mitigating disasters swiftly and efficiently,” pahayag ng DILG chief.
Sinabi naman ni Artes, na ang mga makabagong pagsisikap sa pamamahala ng emerhensiya ng LA EMD ay maaaring iakma upang umangkop sa sitwasyon ng Metro Manila at higit pang gawin itong isang mas matatag na metropolis.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang mga lokal na punong ehekutibo ng Metro Manila na ang kanilang natutunan mula sa LA EMD ay gagayahin sa kani-kanilang mga lungsod.
