
TALIWAS sa titulo ng programa, nabalot ng kalungkutan ang mga hosts at production staff ng Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc. magpasya ang pamilya Jalosjos na itigil na ang noontime show.
Ayon kay entertainment columnist Jun Lalin, isang mid-level employee ng TAPE Inc. ang nagbigay kumpirmasyon sa usap-usapang pagtigil sa ere ng programa sa GMA Network bunsod ng malaking pagkalugi mula nang layasan nina Tito, Vic at Joey ang naturang production outfit.
Pagtatapat ng impormante ni Lalin, hindi na pinahintulutan ng pamunuan ang TAPE Inc. ang mga hosts ng Tahanang Pinakamasaya na pumasok sa trabaho matapos ang huling paglabas sa telebisyon noong Marso 2.
Gayunpaman, may hanggang Marso 7 pa ang kontrata ng TAPE Inc. sa GMA Network na pansamantalang mag-eere ng replay habang wala pang kapalit na programa.
Paglilinaw di umano ng insider ni Lalin, hindi sinibak ang programang Pinakamasaya – “Mutual decision po ng TAPE at GMA Network na ihinto na ang noontime show.