
MAGSISIMULA na sa Mayo 7 ang conclave para sa paghalal ng ika-267 Santo Papa, ayon sa Vatican.
Naging pinal ang desisyon noong Abril 28, Lunes, sa ikalimang pagpupulong ng humigit-kumulang 180 kardinal sa Rome.
Ang conclave ay magaganap sa Sistine Chapel ng Vatican, na mananatiling sarado sa mga bisita sa mga araw na iyon.
Sumakabilang-buhay si Pope Francis sa edad na 88 nitong Lunes, Abril 21 sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta.
Pumanaw ang Santo Papa dahil sa cerebral stroke at irreversible heart failure, ayon sa Vatican doctor na si Andrea Arcangeli.